Batay
sa resulta ng census na isinagawa noong 2010, ang populasyon ng lalawigan ng
Bulacan ay umabot na sa 2,924,433.
Ang
dalawang lungsod sa lalawigan ay may mahigit sa tig-200,000 populasyon.
Nangunguna ang Lungsod ng San Jose Del Monte na may 454,553; kasunod ng Lungsod
ng Malolos na may 234,975; samantalang ang bayan ng Sta. Maria ay may 218,351
at ang lungsod ng Meycauayan ay may populasyong 199,154.
Walo
pang bayan sa lalawigan ang may populasyong nasa pagitan ng 101,068 hanggang
185,624.
Ang
mga bayang ang populasyon ay humigit lamang ng ilang libo sa 100,000 ay ang mga
bayan Calumpit (100,068), Plaridel (101,441), at ang Norzagaray (103,095).
Ang
bayan naman ng San Ildefonso ay may 95,000; at ang Guiguinto ay 90,507.
Ang
pagbanggit namin sa bilang ng populasyon sa mga partikular na bayan ay
sinasadya sa layuning maikumpara ang bilang ng mga Bulakenyong posibleng masawi
kung masisira ang Angat Dam, batay na rin sa pagtaya noong Nobyembre ng
isang mataas opisyal ng Engineering and Development Corporation of the
Philippines (EDCOP).
Ayon
kay Noel Ortigas,Executive Vice President ng Edcop, aabot sa 100,000 ang bilang
ng mga Bulakenyong maaaring masawi sa posibleng pagkasira ng Angat Dam.
Ang
Edcop ay isa sa mga kumpanyang nagsagawa ng pag-aaral sa katatagan ng Angat
Dam. Kasama ang Tonkin and Taylor, sila
ang gumawa ng flood simulation study sa pagkasira ng dam, at magiging lalim ng
baha sa bawat bayan.
Para
kay Gob. Alvarado, ang bilang na 100,000 na binanggit ni Ortigas ay
“konserbatibo pa.” Pero kung ikukumpara
natin ito sa bilang ng populasyon ng mga bayan sa lalawigan, ito ay
nakakapangilabot.
Kung
magkakatotoo ang pagtaya ni Ortigas na 100,000 ang masasawi sa Bulacan,ang
bilang ito ay halos nakakatumbas ng
populasyon ng bayan ng Calumpit at Plaridel.
Ang
100,000 na masasawi na binanggit ni Ortigas ay halos kalahati naman ng
populasyong 199,154 ng Lungsod ng Meycauayan.
Kung
ikukumpara naman natin ito sa mas maliliit na bayan sa lalawigan, nakakatumbas
ang 100,000 ng halos dalawang beses na populasyon ng Paombong (50,940).
Kung
sa populasyong 125,689 naman ng Hagonoy ito ikukumpara, halos tatlong barangay
lamang ng Hagonoy ang malalabi.
Muli,
ang pagbanggit namin ng mga bilang ng populasyon at maging ang pagkukumpara
nito sa bilang ng posibleng mamamatay sa lalawigan kung masisira ang Angat Dam
ay sadya, ngunit hindi isang pananakot.
Ito
ay isang pagtawag pansin sa mga namumunong punong barangay, punong bayan,
punong lungsod at punong lalawigan na kumilos ay bigyang kabuluhan ang kanilang
tungkuling pangalagaan ang kanilang nasasakupan.
Ito
ay isang pagtatangka na higit nabigyan hugis at kulay ng panganib na nakamba sa
sambayanang Bulakenyo na kung ipagwawalang bahala ay magiging sanhi ng
pagkasawi marami.