Payak at simple ang pagdiriwang ng Singkaban Fiesta sa taong
ito ayon
sa kapitolyo,
dahil sa katatapos lamang ng kalamidad at hindi pa
tuluyang nakakabangon ang ilang kalalawigan natin.
Ang pagtitipid sa
pagdiriwang ay masasalamin sa pondong ginugol sa
taong ito kumpara noong nakaraang taon. Umabot
lamang daw sa
P2.5-Milyon ang
inihanda para sa walong araw na pagdiriwang sa taong
ito kumpara sa
P10-M noong nakaraang taon.
Dahil dito,
maraming palatuntunan ang binawas sa walong araw na
pagdiriwang at
kabilang dito ay ang araw ng mga magsasaka at
mangingisda.
Inaayunan ng Mabuhay ang payak na pagdiriwang sa taong ito,
ngunit ang
pagiging payak ay hindi sapat upang hindi maging makahulugan
ang
pagdiriwang.
Kung ang pagbabasehan natin ay ang tatlong taong nagdaan,
mas maraming
makabuluhang programa ang dapat idinagdag sa taunang
pagdiriwang.
Matatandaan na noong 2009 ay sinagasa ng bahang hatid ng
bagyong Ondoy
ang Bulacan. Ang
kalagayang ito ay naulit pa matapos manalasa ang
bagyong Pedring at Quiel noong nakaraang taon; at ang
malakas na ulan
ng hanging habagat nitong nakaraang buwan.
Ang mga karanasang ito ay hindi lamang nagpapahiwatig, sa
halip ay
naghuhumiyaw na bigyang pansin ang kultura ng paghahanda sa
kalamidad
sa lalawigan lalo pa ngayon na halos taon-taon ay
isinasailalim sa
state of calamity ang Bulacan.
Ngunit ano ang
ginawa ng kapitolyo sa usaping ito? Nakapaghanda man
lamang ba sila ng
mga babasahin hinggil sa paglaban sa kalamidad na
maipapamahagi sa
taumbayang lalahok sa Singkaban Fiesta 2012?
Naghanda ba sila ng isang booth para sa eksibisyon at
demonstrasyon ng
mga gamit at
impormasyong magagamit sa paglaban sa kalamidad?
Batay sa
ipinalabas tala ng mga palatuntunan para sa Singkaban Fiesta
2012 noong Agosto 5, wala ang dalawang nabanggit na bagay.
Nakalulungkot ang kalagayang ito dahil lumalabas na hindi pa
sapat ang
kakayahan ng pamahalaang panglalawigan partikular na ang
Provincial
Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) para sa
“mainstreaming” o pagpapalawak ng kultura ng paglaban sa
kalamidad sa
lalawigan.
Sayang. Isa na sa itong pagkakataon upang patunayan ng
kapitolyo na
seryoso sila sa
paglaban sa kalamidad.
Ngunit higit na sayang ang pagkakataong higit na maimulat
ang mga
mamamayang Bulakenyo at mapataas ang kanilang kakayahan sa
pagtugon at
paglaban sa kalamidad
Tandaan natin, ang isang matuwid na paglilingkod ay
naglalayong
pataasin ang kakayahan ng kanilang sasakupan, sa halip na
palaging
paasahin sa kanila.
No comments:
Post a Comment