Bilang
isang mamamahayag, naging tradisyon na ng Promdi bawat taon ang pagsasagawa ng
“lakbay-kaluluwa.”
Ooops,
buhay pa po ang Promdi, hindi lumalayo ang aking kaluluwa sa aking katawan.
***
Ang
tinutukoy kong lakbay-kaluluwa ay ang pagtungo sa ibat-ibang sementeryo bawat
taon.
Bahagi
po kasi ng news coverage. Kaya, cover dito, cover doon.(Hindi po TNT o
tago-ng-tago.)
***
Layunin
po ng news coverage na iyan ay maipakita ang kalagayan ng mga paghahanda sa mga
sementeryo kung panahon ng undas.
Maging
ang mga kasalukuyan at mga nagdaang gawi o pamamaraan ng mga Bulakenyo sa
paggunita ng undas.
***
Ito
ay sa paghahangad na mailarawan at maipaunawa na ang undas para sa mga Pilipino
ay konektado sa pamilya.
Sa
mga Pilipino po kasi, ang undas ay nagsisilbing “reunion.”
***
Pero
sa tradisyon ng Simbahang Katoliko, ang undas o Araw ng mga Santo (All Saints
Day) ay isa sa pinakabanal na araw.
Sa
araw pong iyan ginugunita ng simbahan ang lahat ng pumanaw na santo o mabuting
kristiyano.
***
Kung
mapapansin ninyo, ang bawat araw sa kalendaryo ay may katumbas na araw ng
piyesta o paggunita sa isang yumaong santo.
Kaya
po noong mga nagdaang panahon, kapag walang maisip na pangalan ang magulang sa
bagong silang sa sanggol ay sa kalendaryo sila kumukuha ng araw.
***
Tulad
po ng Promdi, ang pangalan kop o ay hango kay San Bernardino na ang piyesta at
ipinagdiriwang kapag Mayo 20.
Iyon
po ang kaarawan ng ikatlong anak ng amang at inang ko.
***
Kaya
po noong araw, kapag wala sa kalendaryo ang pangalan mo, sasabihin sa iyo,
hindi ka pa nabibinyagan.
Pero
ngayon, hindi na sa kalendaryo ibinabatay ang pangalan ng mga sanggol.
***
Balikan
natin ang aking paglalakbay kaluluwa. Kung saan-saang pong libingan ngapupunta
ang Promdi.
Siyempre,
kasama na diyan ang pagmamasid at pagkuha ng larawan.
***
Ilan
sa mga kapansin-pansing pagbabago sa mga nagdaang taon ay ang mga kulayng
pintura sa mga nitso.
Dati
ay kulay puti lang o kaya abuhin dahil kalburo ang ginagamit.
***
Ngayon
ay iba na. Rainbow colors na ang gamit
na pintura s amga nitso.
May
pula, asul, berde, dilaw, orange,itim, ube, at iba pang nagpapatingkarang kulay. Parang
color coding.
***
Kapansin
pansin din ang pagkawala ng mga rehas na bakal sa mga puntod.
“Kinakahoy”
daw kasi at ibinibenta sa magbabakal.
***
Sa
mga bayan sa coastal area ng Bulacan, marami naman angmga underwater tombs.
Ito
ay dahil sa hightide o tubig ulan na hindi makalabas ng sementeryo dahil walang
padaluyan ng tubig o kanal palabas.
***
Sa
mga pampublikong libingan, hindi maitatanggi ang kawalang kaayusan.
Ito
ay dahil sa sali-saliwa ang hanay ng nitso. May magkaharap, may nakatagilid at
nakatalikod. Pati mga pasilyo ay mayroon ding mga nakasingit.
***
Siyempre,
tiyak na napapansin din ninyo ang sanitasyon sa loob ng mga pampublikong
libingan, lalo na kung kayo ang naglinis ng puntod ng ingyong mahal sa buhay.
Kung
minsan ay ginagamit na palikuran ng mga nakatira sa gilid ng libingan ang mga
puntod.
***
Kapansin-pansin
din ang agawat ng mahihirap at mayayamang pamilya sa kalagayan ng puntod ng
kanilang mahal sa buhay na pumanaw.
Yung
sa mayayaman, parang bahay, may bubong pa. Yung sa mahihirap, nanduon sa isang
sulok.
***
Maging
sa mga kandilang gamit, mapapansin mo ang mayaman at mahirap. Ang iba naman ay
praktikal lang.
Payat ang kandilang itinulos dahil sandal lang
sila, yung iba ay mataba na nasa bote dahil gagamitin sa bahay kapag brownout.
Parang
wala na rin yung mga kandilang may disenyong dragon sa gilid.
Pero
dumarami naman ngayon ang mga kandilang ibat-iba ang kulay; at hindi pa rin
nawawala ang mga batang nag-uunahan sa pagiipon ng tulo at naupos na kandila
para gamiting floorwax sa paaralan o kaya ay ibenta sa nagreresiklo ng kandila.
(Dino Balabo)
No comments:
Post a Comment