Mainit ang usapin ng political dynasty sa Senado dahil
matapos pagtibayin ang Saligang Batas noong 1987, hanggang ngayon ay wala panganti-political
dynasty law sa bansa.
Ito ay dahil sa ipinaubaya ng mga umakda ng Saligang Batas
ang pag-akda ng anti-political dynasty sa Kongreso at Senado.
***
Sabi ni Father Pedring ng Leighbytes, imposibleng mapagtibay
ang anti-political dynasty law sa Kongreso at Senado.
Hindi raw kukuha ng batong ipupukpok sa ulo ang mga
Kongresista at mga Senador.
***
May punto si
Father Pedring dahil sa mga panukalang batas sa anti-political dynasty ay hindi
sumasakop sa mga kasapi ng Kongreso at Senado.
Ayon kay Father Pedring, mukhang above the law ang mga
Kongresista at Senador.
***
Kung hindi idadamay ang mga kasa;pi ng dalawang mataas na
kapulungan ng bansa, lumalabas na ang mga mambabatas natin ay bulag.
Hindi siguro nila nababasa ang apelyido ng mga dati at kasalukuyang kasama sa Senado.
***
Ilan sa mga
apelyidong pamilyar ay Cayetano, Ejercito. May pagkakataong pang
nag-abot sa panunungkulan angmga senador na apelyidong ganyan.
Yung iba naman ay nais palitan ang kanilang ama. Tulad ng mga Angara,
Villar at Enrile.
***
Ang kalagayang
ito ay parang nireresiklo na lamang. Hindi
ba’t sa mga naunang Senado ng bansa ay nanungkulan ang mga Senador na may apelyidong
Roxas, Aquino, Marcos.
Ayon sa ilang
komentarista, lumalabas na isa sa katangian ng pamumuno sa pulitika sa bansa ay
ayon sa bloodline o kadugo.
***
Nangyayari rin
iyan sa larangan ng lokal na pulitika, partikular sa Bulacan.
Kulang na lamang
ay bumuo sila ng partido pangpamilya. Pwede nilang tawagin iyon na Lapiang
Kapamilya, o kaya ay Alyansa ng Magkakamag-anak (Alma)
***
Ayon sa kuwento
ng matatanda, ang magkakapamilya sa lalawigan ay karaniwang naghahalinhinan sa
posisyon.
Pagkatapos ni
tatay ay si nanay o kaya ay si Junior o si Ate. Kung minsan kasabay pa ang
manugang, biyenanan, pamangkin, apo, pati kalaguyo.
***
Ngunit sa pagpasok ng bagong milenyo, nagsimula na ring
magbago ang larangan ng pulitika sa
Bulacan.
Hindi lang halinhinan ang sistema, magkatandem pa.
***
Nauna riyan ang mag-lolong Meneses sa bayan ng Bulacan, na
sinundan ng mag-amang Buencamino sa
San Miguel.
Nagtagumpay ang
maglolo sa Bulacan, ngunit ang mag-ama sa San Miguel ay hindi.
***
Sa bayan ng
Norzagaray, magtatangka naman sa halalan sa 2013 ang mag-amang Legazpi na
kandidato bilang aklade at bise alkalde.
Pero sa San
Ildefonso ay labo-labo ang pamilya Galvez sa pagka-alkalde.
***
Ang laban ng pamilya
ay nagsimula noong 2010 auomated elections sa Ikatlong Distrito ng Bulacan.
Naglaban noon bilang kongresista ang mag-amang Silverio,
pero ang nanalo ay ay dating Gob. Jonjon Mendoza.
***
Si Mendoza ay
benipisaryo ng kanyang kapatid na si dating Gob. Josie Dela Cruz na huling
nanungkulan noong 2007.
Umaasa namang
makikinabang din ang kanilang mas nakababatang kapatid na si Doc Pete na
kandidatong kongresista sa ikalawang distrito ng Bulacan.
***
Si Kint. Marivic
Alvarado naman ay sumunod sa kanyang asawa na si Gob. Wilhelmino Alvarado na
dating kongresista ng unang distrito.
Si Gob Alvarado ay dating alkalde ng Hagonoy, ngunit hindi
nanalong alkalde sa nasabing bayan ang kanyang may bahay. Sa halip nahalal siya na bise alkalde noong
2004 at nanungkulang hanggang 2007.
***
Sa bayan ng Balagtas, sinundan ni Mayor Romeo Castro ang
kanyang kapatid; at sa bayan ng Baliwag, tatangkain ng anak ni Mayor Romy Estrella
na humalili sa kanya.
Gayundin sa Plaridel kung saan ay nais ng anak ni Mayor
Tessie Vistan na humalili sa kanya. Si Mayor Vistan ay humalili sa kanyang
yumaong asawa na si Jaime.
***
Gayundin sa bayan ng Calumpit, ang kapatid ni Mayor James De
Jesus ang inendorso niya na kandidato ng koalisyon.
Sa lungsod ng Meycauayan, hangad ni Mayor Joan Alarilla ang
ikatlong termino. Siya ang humalili sa
kanyang asawa na si ex-Mayor Eddie, na pumanaw may dalawang taon na ang
nakakaraan.
No comments:
Post a Comment