Halos tatlong linggo na ang nakakaraan ng maglagay ng mga
tarpaulin poster sa labas ng bawat tanggapan sa kapitolyo.
Bahagi
daw ito ng anti-red tape campaign.
***
Sa mga
nasabing poster, nakalagay ang proseso ng pakikipagtransaksyon sa mga nasabing
tanggapan.
Kung
may kailangan kang dokumento, mababasa mo sa poster kung ano ang mga
requirement/s na dapat mong dalhin o iprisinta tulad ng ID o kaya ay request
letter.
***
Ang
nakakatuwa, may mga tanggapan na itinala pa kung gaano katagal ang
pagproproseso ng request.
Katulad
sa Sangguniang Panglalawigan at sa BENRO, nakatala sa kanilang poster kung
ilang minuto ang itatagal ng paghahanap ng dokumento.
***
Ang mga
hakbang na ito nagpapatunay na pagnanais ng administrasyong Alvarado na para sa
matuwid at mapanagutang pamamahala.
Ngunit ito naman ay taliwas sa umuugong na balita sa
kapitolyo hinggil sa mga diumano’y di nababayarang utang sa mga supplier.
***
Sa nagdaang linggo, nabnaggit ng Promdi ang
“Masustansiyang Pamamahala” ng Tres Marias ng kapitolyo.
Sila yung sinasabing kumokontrol sa mga supplier.
***
Sa pagsasaliksik ng Promdi, natuklasan ang simple ngunit
masalimuot na prosesong sinusundan ng mga supplier.
Ito ay mula sa pagbibigay ng approval ng gobernador
hanggang sa maibigay ang tsekeng kabayaran sa kanila para sa serbisyo o
produktong inihatid.
***
Maaaring ilan sa bahagi ng prosesong aking babanggitin ay
hindi eksakto ao nasusunod, pero ang mas maraming bahagi nito ay kinumpirma ng
ilang supplier.
Yung
iba, ayaw pang magsalita, baka daw maipit ang kanilang negosyo. Sila rin yung handang magpadulas sa sistemang
‘fast tracking” sa kapitolyo.
***
Dalawa daw ang sistema ng pagbibigay ng kontrata. Kung less
than P500,000, walang bidding. Shooping
lang daw.
Pero
kung P1-M o P1.5-M, tiyak na may bidding.
***
Kung
shopping, pinaapruban kay Gob. Alvarado ang pagsusuply ng mga supplier.
Pagkatapos
ay dadalin sa General Services Office ang papeles upang magawan ng purchase
request (PR).
***
Tapos
dadalhin sa Budget Office, Accounting at Treasurers Office ang PR para
pirmahan.
Pero
may ilang supplier na nagsasabing di na muna dinadala sa Treasurer’s Office ang
PR.
***
Tapos
ibabalik kay Gob ang PR para pirmahan, saka muling ibabalik sa General Services
para igawa ng Purchase Order (PO).
May mga
pagkakataon na kapag ibinalik ang PR sa General Services Office (GSO) para
gawan ng PO ay isinasabay na ang paggawa ng
voucher. (para daw mapabilis ang release ng tseke).
***
Tapos
dadalhin sa Budget Office ang PO para
pirmahan.
Sa
pagkakataong ito, nagsisimula ng magdeliver ang supplier.
***
Muli,
babalik sa GSO ang papel, tapos ay sa accounting at kay Gob para pirmahan ang
tseke.
Ang
huli ay ang pagrerelease ng Treasurer’s Office ng tseke.
***
Ayon sa
mga supplier, ang prosesong ito ay natitigil matapos gumawa ng PR ng GSO.
Diumano
ay naiipon ang mga PR sa mga kasunod na tanggapan na dadaanan nito.
***
Ayon sa
isang opisyal ng kapitolyo, naaantala
ang PR dahil sa tinutukoy pa ng Budget Office at ng Accounting kung may sapat
na pondo para sa supplies na idedeliver ng supplier.
Iginiit
pa nya na mula daw noong 2010 ay higit na lumaki ang gastusin ng kapitolyo
dahil sa pinalawak ang serbisyo nito sa mga indigents at mga ospital.
***
Mula
daw noong 2010 ay naging tatlong araw ang people’s day ng gobernador,
samantalang sa mga nagdaang administrasyon ay minsan lang isang linggo o wala pa.
Bukod
dito, dalawang araw daw kung lumibot ang Kapitolyo sa barangay ni Alvarado kung
saan ay katakot-takot na ipinamimigay na tulong sa mga taumbayan.
***
Maaaring
totoo. Pero lumabas na sobra-sobra ang
gastos ng punong lalawigan. Sa madaling
sabi ay “overspending.”
Pero
gaano ba karami ang tinutulungan ng gobernador sa isang people’s day niya? Di
ba nasa 250 lamang bawat araw ayon sa Annual Investment Plan ng kapitolyo?
***
Ipagpalagay
nang nag-o-overspending ang gobernador. Pero bakit yung mga utang noong 2009,
2010 at 2011 ay hindi pa nababayaran?
***
Ipagpalagay
nating nasa 5,000 ang tintulungan ng gobernador loob ng isang buwan sa kanyang
peoples’ day at Kapitolyo sa barangay.
Ibig
bang sabihin na nauubos ang pondo ng kapitolyo sa loob ng isang buwan sa 5,000
katao?
***
Nakapagtataka na naaantala ng matagala ang pagbabayad sa
mga supplier.
Hindi
ba’t lahat ng gagastusin ng bawat departamento ay itinatala isang taon bago
gastusin, at may nakalaang pondo roon?
***
Ito ay ilan lamang sa mga katanungang dapat sagutin ng
kapitolyo.
Mas maganda siguro ay humarap sa buwanang Talakayang
Bulakenyo ang mga may kinalaman sa usaping ito upang higit na
maipaliwanag. (Dino balabo)