Nakahihiya
ang pahayag ng ilang kongresista sa bansa na hinggil sa pork barrel na
diumano’y ginagamit nila para sa kapakanan ng kanilang nasasakupan, samantalang
nakabibingi ang katahimikan ng mga kongresistang Bulakenyo hinggil dito.
Sinasabi
ng mga kongresista na ginagamit daw nila para sa isklolarsip at pampagamot ng
kanilang nasasakupan ang P70-Milyon pork barrel na kanilang tinatanggap bawat
taon, bukod pa sa pagpapatayo ng mga proyektong pang imprastraktura tulad ng
kalasada, tulay at mga kanal.
Ngunit
ang mga trabahong ito ay nasasakop na ng ibat-ibang ahensiya tulad ng
Department of Education (DepEd), Commission on Higher Education (CHED) at ng
Department of Public Works and Highways (DPWH). Kung ang mga trabahong ito ay
tuluyang isusuko ng mga kongresista sa mga nasabing ahensiya, mas matututukan
nilaang paghubog at paglikha ng batas na maaaring magbunga ng mas mabilis na
pagpapatibay ng mga napapanahon at makakahulugang batas.
Maitatanong
natin kung totoo bang namamahay sa puso ng mga kagalang-galang na kongresista
ang diwa ng bolunterismo sa pagsasagaw ang trabaho ng ehukutibo, samantalang
ang kanilang tunay na trabaho bilang mambabatas at humubog o lumikha ng batas.
Aminin
man nila o hindi, personalna interes ang namamayani sa kanila sa paghahanay ng
mga gawaing pang ehukutibo tulad ng pamamahagi ng iskolarship, pagbibigay ng
gamot at pagpapagawa ng gawaing pang imprasktraktura. Unang una na rito ay ang makapagtanim ng
utang na loob sa kanilang nasasakupan upang matiyak na muling mahahalal sa
susunod na eleksyon.
Ang
kalagayang ito ay patuloy na naggagatong sa habang panahong sistema ng
patronage politics hindi lamang sa lalawigan kungdi sa buong bansa.
Ilan
na ang nagpayo na dapat nang mabuwag ang sistemang ito upang ang mahalal ay mga
tunay na maglilingkod sa bayan at hindi sa kaban ng bayan.
Isa
paraan ay ang pagbuwag sa pork barrel at ang pondong kaakibat ng pork barrel na
nagpapalawak sa pampulitikang kapital ng mga pulitiko, at ipagkaloob sa mga
ahensiya gobyerno upang higit na mapalakas ito.
Bawasan
natin ang pogi points ng mga pulitiko, patatagin ang mga ahensiya at
institusyon ng gobyerno.
No comments:
Post a Comment