Maring 2013, photo by Jeff Lobos. |
Hindi
maitatanggi ang kasiyahan ng ilang opisyal ng pamahlaang lokal sa pagsasailalim
sa lalawigan ng Bulacan sa state of calamity matapos ang pagbahang hatid ng
bagyong Maring at walang patid na pag-ulan na bunga ng pinaigting na hanging
habagat.
Ito
ay dahil sa milyon-milyong halaga ng
calamity fund ang kanilang maaaring galawin, lalo pa’t katatapos lamang ng
halalang lokal noong Mayo at nalalapit naman ang halalang pambarangay sa
Oktubre.
Katulad
ng kontrobersyal na pork barrel fund, marami ang naghihinala at nag-aakusa na
ang calamity fund ay karaniwang nalulustay ng mga opisyal na naghahawak nito.
Ito ay dahil na rin sa walang malinaw na pag-uulat hinggil sa paggamit ng
calamity fund.
Ngunit
sa nagdaang linggo,umusok ang usapan hinggil sa calamity fund salalawigan
matapos lumabas ang ulat ng kapitolyo hinggil sa pondong ginugol sa
ipinamahaging relief goods.
Batay
sa ulat ng kapitolyo ang bawat bag ng relief goods na ipinamahagi nila sa
Lungsod ng Malolos at Hagonoy ay nagkakahalaga ng P250. Ito ay ayon sa tala ng bilang ng bag ng
relief goods na ipinamahagi at tinatayang halaga nito.
Ngunit
lalong naglagablab ang usapan ng mailathala sa social media ang mga larawan ng
dalawang kilong bigas, dalawang noddles, dalawang kapeng 3-in-1,isang lata ng
corned beef at isang lata ng meat loaf.
Batay
sa pagtaya ng mga socialmedia users, hindi P250 ang halag ng relief goodf na
kanilang tinanggap. Sa halip ay P120 hanggang P150 lamang.
Hindi
pa kasama dito ang posibilidad na mas mababa ang presyo ng pagkakabili ng mga
relief goods na nabanggit mula sa supplier ng kapitolyo.
Lumalabas
na hindi bababa sa P100 ang halagang nawawala sa bawat bag ng relief goods na
ipinamahagi ng kapitolyo.
Ang
kalagayang ito ay nagpapatunay na ang kalamidad ay hindi natatapos sa paghupa
ng baha, sa halip ay lalo itong lumulubha dahil may mga taong nagsasamantala ay
umaagaw sa mga tulong na dapat matanggap ng mga mamamayang kanilang pinangakuan
ng tapat na paglilingkod at ipagtatanggol.
Hindi
biro ang kalagayang ito sapagkat ang katumbas nito ay isang pandarambong sa
sambayanang napinsala ng kalamidad. Pero ngayon natin masusubukan kung ang mga
lingkod bayan na nangako ng paglilingkod at pagtatanggol sa mamamayan ay
maninindigan sa tama at may dignidad na pamamahala sa pamamagitan ng
pagpapanagot sa mga taong sangkot sa pagsasamantala sa mamayang Bulakenyo.
No comments:
Post a Comment